TUNGKOL kay Prem Rawat ...

Si Prem Rawat ay naghahayag ng posibilidad ng kapayapaan ng kalooban sa mga tao sapul ng kanyang pagkabata.

Isinilang sa hilagang India noong 1957, si Prem Rawat ay napagkalooban ng pamagat na “Maharaji” –ang ibig sabihin ay “Dakilang Guro” – sa murang gulang, sa pagkilala sa kanyang kakayahan na ibahagi ang katangi-tanging handog sa sangkatauhan. Sa nakalipas na 40 taon, siya ay walang tigil sa paghahandog ng walang kupas na mensahe sa milyon-milyong tao sa buong daigdig.

Ang mga mensahe ni Prem Rawat ay naglalagos sa lahi, kultura at pananampalataya – tumutukoy sa uhaw na namamahay sa puso ng bawat tao. Ngayon, daang libong tao mula sa lahat ng antas ng buhay ay nakikinabang mula sa kaligayahan at katuparan na nagmula sa payak na ugnayan sa kanikanilang sariling puso.

Si Prem Rawat, sa nakaraang 3 dekada ay nakapagpakilala sa mahigit na limang milyong katao sa 250 lungsod ng posibilidad ng kapayapaan ng kalooban. Siya ay itinatanghal na tapagsalita sa mga pagtitipon na idinaraos ng pirmihan sa halos lahat ng pangunahing lungsod sa daigdig. Ukol sa mga palatuntunan ng mga pampublikong pangyayari ni Prem Rawat, mangyaring magtungo sa WOPG.ORG. Ang WWW.WOPG.ORG ay mayroon ding UGNAYAN NG KAALAMANG PANGREHIYON sa halos lahat ng pangunahing wika para sa nagnanais na higit pang makaalam ukol sa Karunungan.

 

UKOL sa mga mensahe ni Prem Rawat...

Si Prem Rawat: paghahanda at mga tagubilin sa kapayapaan ng kalooban.

" Ang kapayapaan ay likas. Ito ay nasa ating kalooban. Subalit bago natin ito tuluyang maranasan, kailangan nating maramdaman muna ang pagkauhaw rito."

Ang uhaw na ito ay hiwalay sa ating mga paniniwala, pilosopiya or pananaw. Ito ay nararamdaman ng mga tao sa lahat ng kultura, pananampalataya at lipunan. Ang paglalakbay sa pagkaalam sa sarili ay uniko at kanya-kanyang tagal ayon sa bawat nilikha. Sa kasalukuyan, si Maharaji ay bumubuo ng pangkat ng mga video na tinatawag na “Susi”, ito ay espesyal na hinubog upang gabayan ang mga tao sa bawat hakbang sa paghahanda ukol sa pagtanggap ng Karunungan na kanyang itinuturo.

Ang higit pang mga kaalaman ukol sa mga turo ni Prem Rawat ay matatagpuan sa The Prem Rawat Foundation’s websire,, TPRF.ORG.  Ang kanilang PEACE EDUCATION SECTION ay tumutugon sa mga pangkaraniwang katanungan ng mga tao na nais lumawak ang kaalaman. Ang pangsariling website ni Prem Rawat na, PREM RAWAT WEBSITE,ay may maikling sipi ng mga tula at awit na sinulat ni Prem Rawat ukol sa mga paksa ng kapayapaan ng kalooban.


UKOL sa WordPaint ...

Ang WORDPAINT ay nagtatampok sa mga gawa ni Prem Rawat.

Aming inihahandog ang mga salita ng kagandahan sa isang magandang kapaligiran. Ang WordPaint ay nagsimula noong Hunyo 2003 sa isang lathalain na isinulat ni Maharaji para sa India Times, na pinamagatang “Bigyan ang Kapayapaang ng Pagkakataon”. Ito ay noong mga panahon na ang pagkakagulo sa Gitnang Silangan at umiigting. Si Maharaji ay tumalakay sa isyu ng digmaan “sa labas” na naging sanhi ng digmaan “sa loob”. Ang ubod ng paksang ito ang nagpalaganap ng mensahe ni Maharaji: kung iyong nakamtan ang kapayapaan ng iyong daigdig, ito ay magsisimula ng pagkakatagpo mo sa kapayapaan sa labas na daigdig.

Sa ngayon, ang WordPaint ay nagtatampok sa mahigit na 50 sipi ng mga pagtatanghal ni Maharaji, ito na nasasalin sa iba’t-ibang wika kaakibat ang mga plano ng higit pang pagpapalaganap at paglago. Inaasahin namin na kayo ay nalugod sa pagbisita at natagpuan ninyo ang kanyang kahalagahan.

Ang WordPaint ay binubuo ng mga boluntaryo at tagapagsalin na nalulugod sa mga mensahe ni Maharaji – bukod pa roon – sila ay nasisiyahan mapalaganap ang posibilidad na maibahagi itong mga mensahe sa iba pang mga tao. Ang pandaigdig na kapayapaan ay nagaganap “isang tao sa isang pagkakataon”. Kung kayo ay nagnanais na tumulong sa pagpapanatili o sa pagsasalin ng WordPaint, mangyaring BISITAHIN ANG UGNAY NA ITO sa iba pang mga kaalaman.

Marami pong salamat sa pagbisita. Hangad namin ang inyong mapayapa at ganap na paglalakbay sa buhay.