Tagalog Homepage - Pansamantala

 
 
 

Malugod na pagbati sa saling Tagalog ng WordPaint!

Si Prem Rawat ay naglakbay sa daigdig mula ng siya ay 12 taong gulang pa lamang, ipinangangalat ang salita ukol sa payak o simpleng kapayapaan na likas sa puso ng sino mang nilalang. Siya ay pinagkalooban ng kagalanggalang na pamagat, “Maharaji” – ibig sabihin ay “Dakilang Guro”, dahil sa kanyang mga gawa na pagtulong sa madla na makamtan ang kapayapaan ng kalooban at kaligayahan sa kanilang buhay. Si Prem Rawat sa kasalukuyan ay naglalakbay sa daigdig ng walang patid, nagsasalita sa harap ng mga manonood mula sa maliit na bilang hanggang sa humigit kumulang kalahating milyon, sa pagpapakilala sa kanila ng posibilidad ng kapayapaan ng kalooban.

“... At ngayon na nalalaman ko, ngayon na nauunawaan ko na may nananalaytay na hardin sa aking katauhan, gagawin ko ang nauukol na hakbang upang tuklasin ang magandang harding ito. Ihahanda ko ang aking sarili upang lasapin ang kanyang kagandahan, upang lasapin ang kanyang kaligahayan, upang lasapin ang pambihirang posibilidad.”

– Prem Rawat

 
Ang Tagalog na salin nitong web site ay kasalukuyang isinasagawa. Kami ay nagtala ng ugnayan sa ibaba sa mga pahina na kasalukuyang isinasalin. Bisitahin ninyo kaming muli – kami ay magdaragdag ng mga bagong salin sa darating pang mga linggo. (MAHALAGANG PANSININ – ang ibang ugnay sa pahinang Tagalog ay maaring hindi gumana ng maayos habang ito ay nasa oras pa ng pagsasalin.)


Ukol sa iba pang mga kaalaman kay Prem Rawat sa English, maaring bisitahin ang: www.premrawat.com, www.tprf.org, www.wopg.org. Sa mga ibig magboluntaryo sa pagsasalin ng WordPaint sa ibang wika, maaring bisitahin ang aming Contributor's Page (sa wikang Ingles lamang).
 
 
   
 
 
 
 
 
Mapa Ng Kinalalagyan           |            Pangangasiwa Ng Kinalalagyan           |          Karagdagang Kaalaman